-- Advertisements --

Muli na naman pinatunayan ng mga Aplikante ng Bagong Bayani Hong Kong Executive Eagles Club, The Fraternal Order of Eaglse- Philippine Eagles Inc. ang kanilang hangarin na makapasok at mapabilang na maging miyembro ng Philippine Eagles na may adhikain na maglingkod sa Sangkatauhan sa Dios at sa Bayan sa pamamagitan ng pinalakas na Kapatiran.

At kahapon nga October 1, 2023 sa Admiralty Center, Admiralty sa pagdiriwang ng National Day ng Hong Kong kasabay sa holiday ng ating mga Kababayang OFW na may mga okasyon sa mga ibat ibang lugar ay ginawa nila ang maglingkod sa mga kababayan sa pamamagitan ng pagpupulot ng kanilang mga basura.

384520165 7103549053030488 3809578152987077861 n

Ang kanilang pagsama-sama sa pagpupulot na basura ay isang pagsubok na magkaisa sila sa lahat ng uri bagay bagay lalo na sa paggawa ng mabuti sa kapwa na siyang mandato ng bawat membro ng Agila. Sa pamamagitan nito ay naipakita nila ay tiyaga nila na maglingkod at napatibay nila ay samahan ng bawat isa o Team Building. Ang pagpapakita nila ng kababaan ng loob sa pagpupulot ng basura ay nangangahulogan lamang na sila ay handang maglingkod sa Kapwa Agila at Kapwa tao.

Muli naman silang pina alalahanan ni Kuya Mar De Guzman na siyang tumatayong Club President sa itinatayong Club na Bagong Bayani Hong Kong Executive Eagles Club sa Hong Kong na isang karangalan ang maging Agila dahil ito ay hindi ordinaryong samahan lamang kundi isa itong Kapatiran na kahit sa kunting paraan ay makatulong ang bawat membro sa Sangkatuhan. Isang bagay na maipagmamalaki kaninoman.

Ang Agila ay ang First Philippine Born Fraternal Socio-Civic Organization sa Pilipinas that Regardless of your Professional Standard and Status in life, Political Attachments, Ethnic Group, and Religiuos Belief ay nagkaka-isa upang makatulong sa Dios at sa Bansa ( DEO ET PATRIA)

Bombo Report News from
Marlon Pantat De Guzman
Bombo International Correspondent- Hong Kong
TFOE-PE Inc.