CENTRAL MINDANAO-Negatibo sa bomba ang iniwang bag sa pampasaherong bus sa probinsya ng Cotabato.
Ayon kay Midsayap Chief of Police Lieutenant Colonel Rolly Oranza na isang pasaherong Cafgu umano ng Mindanao Star Bus libreng sakay mula sa bayan ng Midsayap patungong Kidapawan City ang nakapansin sa iniwang bag sa likod ng bus.
Agad itinigil ng driver ang bus sa Barangay Sadaan Midsayap Cotabato di kalayuan sa Midsayap Overland Terminal.
Lahat ng pasahero ay pinababa ng driver katuwang ang konduktor ng bus at inireport sa pulisya.
Mabilis nama nagresponde ang mga tauhan ng Explosive Ordnance Disposal Team ng PNP at Philippine Army.
Mahigit isang oras na nabalam ang daloy ng trapiko sa national highway habang sinusuri ng EODT ang suspected IED.
Kinomperma rin ni Midsayap Mayor Elect Rolly Sacdalan na negatibo sa bomba ang bag at tanim lang pala ang laman.
Nagpasalamat naman si Sacdalan sa mga otoridad sa agarang pagresponde sa suspected IED sa isang yunit ng Mindanao Star Bus.










