NAGA CITY – Sugatan ang isang babae matapos na pagsasaksakin ng live-in partner sa Brgy. Calimpak Guinayangan, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Mary Rose Joven, 21, residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), sinasabing nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng biktima at ng suspek na si Clifford Delos Santos, 24.

Kaugnay nito, pinagsasaksaksak ng suspek ang biktima na nagtamo ng malalang tama sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.

Agad namang dinala sa ospital ang biktima para sa karampatang tulong medikal.

-- Advertisement --

Sa ngayon, patuloy namang pinaghahanap ang suspek na agad tumakas matapos ang nasabing krimen.