Nililitis ngayon sa Australia si Erin Patterson, 50 taong gulang, matapos akusahang nilason umano nito ang tatlong matatandang kaanak matapos bawian ng buhay.
Ayon sa mga awtoridad, inihain umano ni Patterson ang death cap mushrooms sa isang Beef Wellington noong Hulyo 2023 sa kanilang tahanan sa Leongatha, Victoria.
Nasawi ang kanyang biyenan na sina Gail at Donald Patterson, at ang bayaw na si Heather Wilkinson. Buhay naman ngunit muntik mamatay ang asawa ni Heather na si Ian Wilkinson.
Mariing itinanggi ni Patterson ang mga paratang at iginiit na isa itong malagim na aksidente. Gayunpaman, sa paglilitis, nabunyag na may nakita umano ang mga awtoridad sa isang imbestigasyon na search history sa isang internet tungkol sa death cap mushrooms sa isang computer sa kanyang bahay.
Ayon kay Patterson, hindi niya matandaan kung siya ang nag search sa internet tungkol sa nakalalason na kabute.
Una nang umani ang interes ng kaso ni Patterson sa iba’t ibang mga pahayagan dahil sa kakaibang mga kuwento ng ginang tungkol sa pagpatay sa kanyang mga kaaanak. Inaasahang matatapos ang paglilitis ngayong buwan ng taon.