-- Advertisements --
DAVAO CITY – Patay na nang matagpuan ang isang 33-anyos na babae sa loob ng kanyang bahay sa Compostela Valley.
Kinilala ang biktima na si Armie Bernardo, residente ng bayan ng Poblacion.
Batay sa salsaysay ng ilang kapitbahay, ilang araw nang pabalik-balik ang ilang hindi kilalang lalaki sa naturang lugar at hinahanap ang biktima.
Pero nang matyempuhan umano ng mga ito si Bernardo sa bahay nito ay sinugod at pinagbabaril.
Narecover mula sa crime scene ang mga basyo ng bala sa hindi pa matukoy na kalibre ng armas.