Sugatan ang 28-anyos na babae matapos siyang mabangga at pumailalim sa isang truck sa Osmeña Highway sa Maynila.
Batay sa mga kumalat na video makikitang hinabol ng biktima ang isang pampasaherong jeep para makasakay para makasama sa dalawang lalaking kasama niya.
Ngunit mabilis na umarangkada ang jeep na kahit naka-green light pa ang tatawirang isang kalsada.
Matapos makaalpas ang jeep sa daanan ng truck bandang alas-2:00 ng madaling araw ay siya namang biglang pagsulpot ng babae na makikitang nahagip ng truck dahilan para ito’y magulungan.
Isinugod ang babae sa ospital at putloy siyang inooberbahan dahil sa pinsalang natamo nito sa katawan.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, pinagtripan umano ng grupo ng babae ang driver na jeep kaya pinatakbo nito ang sasakyan kahit naka-red light ang linya niya.
Samantala hinahanap pa ng mga awtoridad ang driver ng truck dahil umano sa pag-iwan nito sa biktima, na posible aniyang maharap sa reklamong reckless imprudence resulting in physical injuries.
Nagsampa naman ang jeepney driver ng reklamong physical injuries laban sa dalawang lalaki na kasama ng biktima dahil umano sa pananakit na ginawa sa kaniya.










