-- Advertisements --
Binalewala ni Azkals coach Michael Weiss ang kanilang pagkatalo sa friendly game nila ng Chinese Taipei 3-2 nitong gabi ng Lunes sa Rizal Memorial Stadium.
Sinabi nito na hindi mahalaga ang panalo dahil ang iniisip nila ngayon ay kung ano ang naging aral na kanilang natutunan.
Sa nasabing laban aniya ay mapag-aaralan kung ano-ano ang mga pagkukulang na dapat na punan ng Azkals na maaring ipatupad sa mga susunod nilang laban.
Sa nasabing laro ay naka-goal sina Mike Ott sa unang 13 minuto ng laro at bago matapos ang first half ay naipasok ni Patrick Reichelt ang goal para makuha ang kalamangan 2-1.
Subalit pagpasok ng second half ay naipako na ng Chinese Taipei ang Azkals hanggang tuluyan na silang magwagi.