-- Advertisements --
Nakatakdang bigyan ng pagkilala sa Hollywood Walk of Fame ang singer na si Avril Lavigne.
Ayon sa organizer na isasagawa ang seremonya sa darating na Agosto 31.
Kamakailan lamang ay ipinagdiwang ng pop-punk icon ng ika-20 taon anibersaryo ng kaniyang unang album na “Let Go”.
Sinabi nito na hindi siya magbabago sa paggawa ng mga kanta ganun din ang paghahanap ng ibang pagkakaabalahan gaya ng pagiging kabilang sa fashion at posibileng paggawa ng pelikula.