-- Advertisements --
australian national

Hinatulang makulong ng mahigit 100 taon ang isang Australian national dahil sa kasong sexual abuse sa mga biktima nitong mga bata na nasa murang edad na halos dalawang taong gulang lamang.

Ito na ang ikalawang beses na hinatulan si Peter Gerard Scully na kasalukuyang isinisilbi ang life sentence nito para sa rape at trafficking ng mga batang kababaihan.

Ipinataw ng Cagayan de Oro court ang naturang sentensiya kay Scully at sa tatlo pang co-accused nito na naghain ng plea bargaining agreement.

Nasamapahan ang mga ito ng 60 paglabag kabialng ang trafficking, child pornography, child abuse at rape.

Nasentensiyahan din ng 126 taong pagkakakulong ang kaniyang kasintahan na si Lovely Margallo habang ang iba namang akusado ay nasentensiyahan ng mahigit siyam na taon.