-- Advertisements --
Nag-courtesy call si Australian Ambassador Steven J. Robinson kay Vice President Sara Duterte-Carpio kung saan natalakay ang usapin sa pagpapalakas ng relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Australia partikular na sa sektor ng edukasyon.
Sa isang statement sinabi ni VP Sara na looking forward ito sa pagpapatuloy ng pakikipagtulungan sa Australia sa pagpapalago pa ng education sector.
Inilatag din ni VP Sara ang layunin nito bilang DepED Secretary na mapagibayo pa ang student performance at pagpapatuloy ng pagreview sa effectiveness ng K-12 curriculum sa ating bansa.
Ag pagbisista sa bansa ng Australian envoy ay bahago ng pagdiriwang ng ika-76 na anibersaryo ng diplomatic relations ng PH at Australia ngayong taon.