-- Advertisements --
Pasok na sa quarterfinals ng FIFA Women’s World Cup ang co-host country na Australia.
Ito ay matapos na talunin nila ang Denmark 2-0.
Labis na natuwa pa ang fans ng Australia ng maipasok at nakapaglaro sa second half ang kanilang star striker na si Sam Kerr.
Hindi kasi ito nakapaglaro sa group games ng Australia dahil sa calf injury.
Sinabi ni Kerr na labis siyan natutuwa sa mainit na pagtanggap sa kaniyang unang paglaro sa World Cup.
Susunod na makakaharap ng Australia ang sinumang manalo sa pagitan ng France at Morocco.