-- Advertisements --

Inakusahan ng Australia ang piloto ng Chinese fighter jet dahil sa paglapit sa isa nilang eroplano sa West Philippine Sea.

Naglabas pa umano ang nasabing Chinese fighter jets ng flares sa harap ng Australian surveilance plane.

Bukod pa dito ay nagpakawala din ang mga ito ng “Chaff” o isang anti-radar device na kinabibilangan ng maliit na aluminum at pumasok sa makina ng eroplano ng Australia.

Sinabi ni Australian Defence Minister Richard Marles, na delikado ang ginawa ng nasabing Chinese fighter planes.