-- Advertisements --

Binasag na ni Atty. Amando Virgil Ligutan ang kaniyang katahimikan dahil sa pag-red tag sa kaniya.

Lumabas kasi sa mga online post na kabilang siya sa National Union of People’s Lawyers (NUPL).

Sinabi ni Ligutan na ang nasabing mga alegasyon ay walang basehan at hindi makabuluhan.

Si Ligutan ay isa sa mga private lawyers na nagrerepresenta ng prosecution panel ng House of Representatives sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Naniniwala ang abogado na dahil sa kaniyang trabaho sa impeachment trial kaya lumabas ang nasabing mga usapin.

Nabigla lamang nito ng malaman ang nasabing alegasyon kung saan kahit minsan ay hindi siya naging miyembro ng NUPL.

Una rito ay ipinakalat ng dating opisyal ng gobyerno na si Lorraine Badoy sa kaniyang social media na iniuugnay niya si Ligutan na konektado sa mga terrorist group.