-- Advertisements --
Inaasahan na ni Ateneo Blue Eagles coach Tab Baldwin na magiging physical ang laban Game 3 finals nila ng Univeristy of the Philippines (UP) Fighting Maroons sa UAAP Season 85.
Gaganapin ang battle of Katipunan mamayang gabi sa Araneta Coliseum.
Tinapos kasi ng UP ang pamamayagpag ng Ateneo noong Season 84 at asahan nila na magiging fully-crowded ang nasabing venue.
Pagtitiyak naman ng dating Gilas Pilipinas coach na pinaghandaan nila ang anumang ipapatupad na laro ng karibal na koponan.