-- Advertisements --

Kinumpirma ng Ateneo na naka-leave sina coach Tab Baldwin at team manager Epok Quimpo.

Ayon kay Ateneo school president Roberto Yap, na ang nasabing hakbang ay matapos ang pagsisimula nila ng imbestigasyon sa pagkasawi nina Rene Baterbonia at Nigerian center Divine Adili.

Dagdag pa nito na layon nito ay para ma-preserba ang kabuuang integridad , independence at patas na imbestigasyon.

Mananatiling naka-leave sina Baldwin at Quimpo habang hindi pa natatapos ang imbestigasyon.

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nagbibigay ng pahayag si Baldwin kung saan hindi rin ito nakasama noong dumalaw ang koponan sa burol ni Baterbonia sa Arlington Memorial Chapels.