-- Advertisements --

Maagang nagtipon sa matataas na lugar ang ilang astronomical observers para masaksihan ang makulay na full moon at lunar eclipse.

Ayon sa Pagasa, bihira ang celestial event na ito, sapagkat ang full moon ngayon ay itinuturing din bilang “super moon” dahil mas malinaw at mas malaki ito, kumpara sa karaniwang kabilugan ng buwan.

Tinatawag din itong “blood moon” dahil sa mapulang kulay nito, kasabay ng lunar eclipse.

Ilan sa mga lugar na pinagtipunan ng mga nag-aabang sa astronomical event, ang UP area sa Quezon City at bulubunduking bahagi ng probinsya ng Rizal, pati na sa Tagaytay City, Cavite.

Nagsimula ang eclipse kaninang alas-4:47 ng hapon at magtatapos mamayang alas-9:49 ng gabi, habang ang “greatest eclipse” ay alas-7:18 ng gabi.

Pero paalala ng Department of Science and Technology (DOST), huwag pa ring kalimutan ang pagsunod sa minimum health protocol, kahit abala sa mga ganitong pambihirang astronomical event.