-- Advertisements --
Sumadsad ngayong araw sa pagsasara ang mga Asian markets kasunod na rin nang pangamba ng mga investors na nangyayari sa Amerika.
Kabilang na ang isyu sa posibleng mabigo na makabayad sa tamang oras sa pagkakautang ang US at ang mabagal pa ring global recovery.
Hindi rin daw nakatulong ang balita ukol sa mga mambabatas sa Amerika na naisalba pa ang napipinto sanang US government shutdown kung hindi magkasundo sa tamang limitasyon sa pagbabayad sa pagkakautang.
Samantala kadalasan daw ang papasok sana na fourth quarter ay positibo para sa mga investors pero napapalitan pa rin ng negatibong panananaw na hindi dahil sa hindi pa nakakalampas sa pinakamatinding krisis ang mundo dulot ng pandemya.