-- Advertisements --

Ikinalungkot ng fans ng Taiwanese-Canadian actor at supermodel na si Godfrey Gao ang pagpanaw nito sa edad na 35.

Ayon sa statement ng management ni Gao na Jetstar Entertainment, biglang hinimatay ang aktor habang nasa set ng isang reality show sa China na “Chase Me.”

Naisugod pa raw ito sa pagamutan pero kinumpirma rin ang pagkamatay matapos ang tatlong oras.

Nakilala si Gao bilang pinaka-unang Asian na naging modelo ng sikat na international brand na Louis Vitton.

Bumida rin ang aktor sa 2013 Hollywood film na “The Mortal Instruments: City of Bones.”