Asahan ang mas marami pang pangalan na lulutang kaugnay ng papalapit na 2022 elections.
Ito ang sinabi ni Institute for Political and Electoral Reform (IPER) executive director Prof. Ramon Casiple sa paglitaw ng iba’t-ibang pangalan at grupo na tila naghahanda para sa paparating na halalan.
Ayon kay Casiple, kahit may pandemya ay tiyak na mauulit pa rin ang maagang political season sa bansa.
Katunayan, may mga tao pa nga raw na kinakapital ang COVID issue para manatiling visible sa publiko.
Maging pagbuo ng mga grupo kagaya ng ilang kontra sa Duterte administration ay kanilang nang inaasahan.
Habang sa panig naman ng mga pabor, may mga pinalulutang na ring pangalan si Pangulong Duterte na posibleng i-endorso nito bilang presidential candidate sa susunod na taon.










