-- Advertisements --

Inaasahan ng chairman ng US House Rules Committee na maiaakyat sa plenaryo ng Mababang Kapulungan sa darating na Miyerkules (ara sa America) ang articles of impeachment kontra President Donald Trump.

Sa isang panayam, sinabi ni Representative Jim McGovern na mahalagang aksyunan nila sa lalong madaling panahon ang usapin na ito.

Hula pa ni McGovern, aaprubahan ng US House of Representatives ang articles of impeachment sa mga susunod na araw.

Ito ay kahit pa inaasahan nila ang mariing pagtutol ng mga Republican lawmakers sa apelang pagpapatalsik kay Trump.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na mayroong panawagan na ma-impeach si Trump, o maalis sa puwesto sa pamamagitan ng 25th Amendment.

Ito ay resulta nang paghimok ni Trump kamakailan sa kanyang mga supporters na magtungo sa US Capitol noong nakaraang linggo habang pinagtitibay ng Kongreso ang pagkakapanalo ni Joe Biden sa halalan noong nakaraang taon. (Reuters)