-- Advertisements --

Pinatunayan ng Argentina ang kanilang mataas na ranking sa FIFA matapos talunin ng Poland sa knockout Group C stage game.

Unang nakapagtala ng goal si midfielder Alexis MacAllister para madala sa 1-0 ang ranked number 3 na Argentina sa laro na ginanap sa Stadium 974 sa unang bahagi ng laro.

Pagpasok ng second half ay matagumpay na naipasok ni Julian Alvarez ang goal para maiwan sa 2-0 ang ranked 26 na Poland.

Itinuturing na bayani ng Poland si Wojciech Szczesny ng maharang ang penalty kick ni Messi.

-- Advertisement --

Sinubukan ng Poland na pinangungunahan ng kanilang star player na si Robert Lewandowski subalit naging matindi ang depensa ng Argentina.

Kahit na talo ay pasok pa rin sa last 16 ang Poland kung saan makakaharap nila ang France habang ang Argentina ay makakaharap ang Australia.