Ipinagmamalaki na iniulat ni House Committee on Appropriations chair at Ako Bicol Party List Rep. Elizaldy Co ang matagumpay na pagkumpleto ng budget briefings para sa panukalang 2024 General Appropriations Act (GAA).
Kahapon tinapos na ng house panel ang budget deliberation ng PCSO at Commission on Higher Education.
Pinuri naman ni Co ang mga kapwa mambabatas sa kanilang walang kapagurang pagtatrabaho lalo na sa pagbusisi sa panukalang budget ng ibat ibang ahensiya ng pamahalaan.
Binigyang-diin ni Co na may mga makabuluhang hakbang na ipinatupad ang komite para sa pag pinalisa sa 2024 budget na naka tutok sa national growth at para sa kapakanan ng sambayanang Pilipino.
“I want to express my deep gratitude to my esteemed colleagues in the Appropriations Committee and the dedicated congressmen who have worked meticulously in reviewing and suggesting valuable inputs for the budget,” pahayag ni Co.
Ipinagmamalaki naman ni Co, na very transparent at naging mahigpit ang talakayan sa pagbusisi sa mga pondo ng ibat ibang government agencies.
Ipinunto din ng Bicolano lawmaker na mahalaga ang timeliness sa pagpasa sa panukalang pambansang pondo upang matiyak na naipapatupad ang mga programa at serbisyo sa tamang panahon at hindi nadi-delay.
“I remain committed to my promise to expedite the passage of the 2024 GAA. It is our moral and civic duty to ensure that the budget is enacted efficiently, but also effectively, so as to better serve our fellow Filipinos,” wika ni Rep. Co.
Ayon kay Co, ang susunod na yugto ng budget process ay ang pagsasama-sama ng lahat ng mga rekomendasyon at mga amendements bago ito dalhin para sa deliberasyon sa plenaryo.
Siniguro ni Co sa kanyang mga kasamahan at sa publiko na ang Komite ay nagtatrabaho ng overtime upang sumulong sa proseso ng pambatasan.
“The work is far from over, but the completion of these budget briefings marks a critical milestone in our journey towards a more prosperous and equitable Philippines,” pahayag ni Co.