Dismayado si House Deputy Minority leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro sa pagtalaga kay dating Philippine National Police Chief retired General Camilo Cascolan bilang undersecretary ng Department of Health (DOH).
Para kay Rep. Castro, ang appointment ni Gen. Cascolan sa DOH ay maituturing na sampal sa mga dedicated at qualified health care practitioners.
Pagbibigay-diin ni Castro, malaking kwestiyon kung ano ang kwalipikasyon ni Cascolan sa naturang posisyon kaya siya ay umaasa na babawiin ito ng Malakanyang.
Tahasan din sinabi ni Castro na hindi nararapat sa DOH ang umano’y isang Tokhang general na kasama sa nagbalangkas ng Oplan Double Barrel at umano’y pumatay sa libu-libo nating kababayan.
Inihayag ni Castro, magiging trabaho ba ni Cascolan sa DOH ang pagmanman sa mga progresibong health workers groups o babarilin ba nito ang Covid virus.
Giit ni Castro, ang kailangang mapwesto sa DOH ngayon na panahon pa din ng pandemya ay isang mahusay at mapagkakatiwalaang Health secretary.
” Gen. Cascolan’s appointment is like a slap on the face of dedicated and qualified health care practitioners who were by-passed for the position. What is Gen. Cascolan’s qualification for the health portfolio anyway? Mamanmanan ba niya ang mga progresibong health workers groups o babarilin ba niya ang Covid virus?!”, tanong ng mambabatas.