-- Advertisements --

Tanging ang mga authorized personsons outside residences (APOR) o iyong mayroong official at essential business lamang ang pinayagan na makalabas at makapasok sa National Capital Region (NCR) Plus bubble simula noong Linggo, ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG).

Paglilinaw ito ni DILG spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya kasunod na rin ng mga nagsulputan na mga checkpoints s amga borders ng Plus areas o mga probinsyang nakapalibot sa Metro Manila.

Magugunita na simula kahapon, Agosto 1, inilatag na ang mga travel restrictions bilang paghahanda sa enhanced community quarantine status sa Metro Manila sa Agosto 6 hanggang 20.

Ayon kay Malaya, sa Biyernes, sa pagsisimula ng ECQ, magkakaroon na rin ng restrictions sa loob mismo ng Metro Manila.