-- Advertisements --
image 213

Ikinasal na ang apo ni US President Joe Biden at firt lady na si Jill Biden na si Naomi Biden sa White house nito lang araw ng sabado

Si Naomi Biden, 28-years old ay ikinasal kay Peter Neal na kamakailan lang nagtapos ng law school na nagmula sa Jackson Hole Wyoming.

Ang Wedding ceremony ay naganap mismo sa South Lawn, at dumalo ang higit kumulang sa 250 na bisita.

Ito ang unang bahagi ng isang maligaya na katapusan ng linggo para kay Biden, na matatandaan na magdiriwang rin ng kanyang ika- 80th birthday.

Mula nang lumipat si dating Pangulong John Adams sa bagong gawang White House noong 1800, ang 18 kasal doon ay karaniwang nagtatampok ng mga miyembro ng pamilya ng pangulo at unang ginang.

Ayon sa White House Historical Association, nagsimula ang tradisyon noong 1812 nang si Lucy Payne Washington, ang kapatid ng unang ginang na si Dolley Madison, ay nagpakasal kay Supreme Court Associate Justice Thomas Todd.

Ang seremonya ay hindi tulad ng mga nauna dahil na rin ang mga kasiyahan ay sarado sa media ng balita.