-- Advertisements --
Tila tinapos na ni KC Concepcion ang mga ispekulasyon hinggil sa “real score” raw sa kanila ng half Pinoy rapper na si apl.de.ap.
Ito’y matapos niyang tawaging “good friend” ang 45-year-old Fil-Am Black Eyed Peas member kasabay ng pasasalamat dahil sa munting sorpresa nitong weekend.
Ito ay ang video greeting ng idolong Latina pop icon na si Shakira na binati ang 35-year-old Megastar daughter sa kanyang cooking show.
Thankful din ang “Waka Waka” hitmaker sa pagtangkilik ni KC o Maria Kristina Cassandra Cuneta Concepcion sa tunay na buhay, sa kanyang musika.