-- Advertisements --

Nanawagan ang antisemitism envoys ng 24 na bansa kabilang na ang US na protektahan ang kanilang jewish communities.

Sa pahayag na pirmado ng 30 opisyal ng grupo na kinabibilangan ng mga representatives mula sa iba’t-ibang bansa sa Europe, North at South America na kanilang kinokondina ang pagtaas ng bilang ng antisemitism mula ng maganap ang labanan ng Israel at Hamas.

Dagdag pa nila na mayroon ng takot ang Jewish communities at binabantaan ang kanilang buhay.

Magugunitang maraming mga Jewish sites at synagogues ang inatake ng mga antisemitism group.

Pagtitiiyak naman ng ilang lider ng mga bansa na kanilang poprotektahan ang kanilang mga mamamayan.