Nakatanggap ang International Shrine of the Our Lady of Peace and Good Voyage sa Antipolo City ng regalo mula kay Pope Francis.
Ang nasabing regalo ay isang Golden Rose o Rosa d’Oro na inilagay sa paanan ng Imahe ni Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje.
Inilagay ito ni His Excellency, Most Reverend Salvatore “Rino” Fisichella, D.D., Pro-Prefect of the Section on Fundamental Questions regarding Evangelization in the World of the Dicastery for Evangelization ng Holy See kasabay ng Misa nitong Lunes.
Ang Golden Rose ay itinuturing na pinakamataas na pagkilala na ibinibigay ng Supreme Pontiff sa Marian image at shrine sa buong mundo.
Ang Antipolo Shrine ay tanging pangatlong simbahan at unang Marian Shrine sa Asya na nabigyan ng pagkilala ito rin ang unang Marian Shrine sa bansa na nabigyan ng nasabing regalo.