-- Advertisements --

Nasa below normal na ang antas ng tubig sa lahat ng 9 na dam sa Luzon ayon sa Deparment of Science and Technology (DOST).

Ito ay sa gitna ng patuloy na nararanasan ng bansa na epekto ng El Nino phenomenon at easterlies o ang mainit na hangin na nagmumula sa Pacific Ocean na nagdadala ng mainit at maalinsangang panahon.

Sa inisyung dam status report ng DOST hydrometeorology Division nitong umaga ng Martes, ang antas ng tubig sa Angat dam na nagsusuplay ng tubig sa Metro Manila ay bumaba ng 0.25 meters na nasa 210.08 meters na, mas mababa sa normal high water level nito na 212m.

Sa Ipo dam naman, bumaba ng 0.11meters kayat nasa 99.82m mas mababa ito sa normal high water level na 101 meters.

Sa La Mesa dam, bumaba ng 0.09 m, kayat nasa 78.05 m na lamang ang antas ng tubig nito, mas mababa sa normal high water level nito na 80.15 m.

Sa Ambuklao dam, bumaba ng 0.03m kayat nasa 750.94m ito, mas mababa sa normal high water level na 752m

Sa Binga dam naman, bumaba ng 0.23m kayat nasa 572.75m ang naitala nitong umaga, bahagyang mababa ito mula sa normal high water level na 575 m

Sa San Roque dam naman sa lalawigan ng Pangasinan, bumaba ito ng 0.31 m kaya nasa 249.65m, mas mababa sa normal high water level na 280 m.

Sa pantabangan dam naman, bumaba ng 0.27m kayat nasa 192.05m na, ang magat dam bumaba ng 0.34m na nasa 183.14m ang antas ng tubig, habang ang Caliraya dam ay bumaba din ng 0.15 m kayat nasa 287.51 m