-- Advertisements --

Nadagdagan pa ang antas ng tubig sa may Angat dam na nagsusuplay ng tubig sa mga residente sa Metro Manila.
Ayon kay National Water Resources Board (NWRB), nasa normal operating level ang Angat dam o 198 meters na lagpas sa minimum level nito na 180 meters.
Halos 20 metro aniya ang itinaas ng tubig sa Angat dam mula noong Hulyo 14 bunsod na rin ng mga pag-ulan dala ng habagat, epekto ng nagdaang mga bagyong egay at Falcon.
Bagamat, ito ay kapos pa ng 12 meters para maabot ang normal high level na 210 meters.
Sinabi naman ni NWRB executive director Sevillo David na malaking tulong ang pagtaas ng antas ng tubig sa Angat dam sa paghahanda ng reserbang tubig sa oras na ganap ng magsimula ang El Nino phenomenon sa bansa.










