-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na umaabot sa anim na mga airports na pag-aari at inaasikaso ng national government ang kanilang pormal na ring na-turn over sa Bangsamoro region autonomous government.

Ayon sa CAAP, ang pagpirma sa kasunduan ay una nang isinagawa sa seremonyas sa Cotabato (Awang) Airport sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.

Isa ito sa mga pasilidad na kasama sa transfer.

Ang lima pang mga airports na nasa loob ng Bangsamoro Autonomous Region sa Muslim Mindanao sa southern Philippines ay ang Sanga-Sanga at Mapun airports sa Tawi-Tawi, Jolo Airport sa Sulu, at Wao at Malabang airports sa Lanao del Sur.

Batay sa memorandum of agreement, ang Bangsamoro Ministry of Transportation and Communications sa pamamagitan ng Bangsamoro Airport Authority ang siyang magti-take over sa mga assets gayundin ang management at supervision sa mga airports.