-- Advertisements --

Surpresang binisita ni Hollywood actress Angelina Jolie ang Lviv, Ukraine.

Isa kasi ang actress bilang special ambassador ng United Nations Human Rights Council (UNHCR).

Hindi na naman tiyak ni Lviv regional governor Maxim Kozytski kung bahagi ba sa trabaho nito sa UNHCR ang pagbisita nito sa Ukraine.

Ilan sa mga binisita ni Jolie ang mga batang nasugatan dahil sa pagbomba sa Kramatorsk station mula sa missile ng Russia.

Kasama rin nitong binisita ang mga volunteers na nagbibigay ng psychological na tulong sa mga nawalan ng mga kabahayan dahil sa pagbomba.