Magkahalong lungkot at saya ang nararamdaman ni Angelika dela Cruz kasunod ng tuluyang pagpanaw ng kanyang ama.
Kahapon, July 4, nang sumakabilang-buhay si Ernie dela Cruz ngunit hindi binanggit ang dahilan.
“Daddy you are my best friend ang kakampi ko sa lahat ..
“I’m heartbroken dahil iniwan moko agad .. I love you so much Dad
“Mabuti kang tao na maraming tinulungan.. pahinga ka na ..
“Rest in Peace Dad .. masaya ako para sayo at mag kasama na kayo ni Edward ..
“till we meet again .. mahal na mahal kita #daddysgirl” saad ng 38-year-old actress.
Ang tinutukoy na Edward sa nasabing pahayag ay ang kapatid niyang lalaki na yumao dahil naman sa vehicular accident noong 2010.
Nitong Father’s Day lang ay kapwa huling ng dasal si Angelika pati ang nakababatang kapatid at kapwa celebrity na si Mika para sa paggaling ng kanilang ama.