-- Advertisements --
Bumaba pa lalo ang water level ng Angat Dam.
Ito ay sa likof ng ilang mga pag-ulan na naranasan sa bansa, dala ng ilang mga weather system.
Ayon sa State Weather Bureau, nasa 193,72 meters na lang ang water level ng nasabing dam.
Mas mababa ito ng 18 centimeters mula sa 193.90 meters nitong nakalipas na Lunes, Mayo -8.
Pero, ang kasalukuyang level ay nasa ‘safe’ level pa rin umano, dahil sa mas mataas ito kumpara sa minimum operating level ng nasabing dam na 180 meters.
Maliban sa Angat Dam, naitala rin ang pagbaba ng water level sa iba pang mga malalaking dam sa bansa, katulad ng Ipo, La mesa, Ambuklao, San roque, Magat, at Caliraya Dam.