Muli namang naitala ang pagbaba ng antas ng tubig sa Angat Dam maging ang iba pang dam sa luzon dahil sa kawalan ng pag-ulan ngayong tag-init.
Batay sa ulat ng State Weather Bureau, umabot na sa 203.25 meters ang antas ng tubig sa Angat.
Ito ay katumbas ng 0.23 meters na kabawasan ng level ng tubig kahapon kumpara sa antas nito kamakailan.
Sa kabila nito ay mas mataas parin ang naturang lebel sa 180 meters na minimum operating level habang mababa na ito sa 212 meters normal high water elevation ng dam.
Bumaba rin ang lebel ng tubig sa La Mesa Dam na umabot na sa 76.05 meters.
Nakitaan din ng bahagyang pagbaba ng water level ang iba pang dam tulad ng Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan, Magat at Kaliraya Dam.
Ang naturang mga pagbaba ng level ng tubig sa mga dam sa Luzon ay dulot parin ng El NiƱo Phenomenon na umiiral dito sa bansa.