Hindi big deal kay Andi Eigenmann kung no show sa first birthday ng kanilang anak kamakailan ang surfer at bagong boyfriend na si Philmar Alipayo.
Ayon sa 30-year-old daughter ng aktres ding si Jaclyn Jose, naniniwala ito na sa lalong madaling panahon ay magiging kompleto na uli sila sa mahahalagang okasyon.
Nabatid na sa bahay ni Eigenmann dito sa Metro Manila ginanap ang simpleng family gathering para sa first birthday ng pangalawang baby girl nito, habang ang kanyang kasintahan ay naiwan sa hometown sa Siargao Island sa gitna pa rin ng quarantine protocols dulot ng coronavirus pandemic sa bansa.
“Because of the current situation, I’m just on the island and I couldn’t be there but I will make it up to you soon. My only wish for you is that you’ll stay the way you are: Always happy,” ang emosyonal na video message ni Alipayo.
“I also hope to see you again very soon. You and your mom because I really miss you all very much so we can go and swim in the ocean already here.”
Una nang pinili ng aktres ang aniya’y tahimik at simpleng pamumuhay lamang sa isla kasama ang surfer boyfriend at dalawang anak.
Si Andi o Andrea Nicole sa tunay na buhay, ay may panganay ding babae mula sa ex-boyfriend na si Jake Ejercito, na ngayon ay eight years old na.