-- Advertisements --

Inatasan ng korte na magbayad ng nasa $2,422 bilang multa ang anak ni Rolling Stones singer Mick Jagger na si Jade Jagger.

Ito ay dahil sa ginawa nitong pag-atake sa isang pulis sa Ibiza, Spain.

Unang inaresto ang 51-anyos na si Jade matapos ang naganap na alitan sa isang kainan.

Sa ginanap na fast track hearing ay pumayag si Jagger na magbayad ng 1,200 euros dahil sa resisting authorities at 200 eruos dahil sa minor injuries sa mga kapulsan ganun din ang 800 euros bilang compensation sa mga kapulisan.