-- Advertisements --
Inanunsiyo ni tennis great Martina Navratilova na siya ay na-diagnosed ng stage one throat at breast cancer.
Ayon sa 66-anyos na American tennis star na maaring dobleng pahirap ang kaniyang naranasan subalit kaya niya itong labanan.
Taong 2010 ay nalabanan na rin niya ang breast cancer.
Nadiskubre lamang niya ang sakit ng lumaki ang lymph node sa kaniyang leeg mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 7 WTA Finals sa Forth Worth, Texas.
Sa kaniyang kabuuang career ay nagwagi ito ng 59 grand slam titles.
Kahit na nagretiro na siya sa paglalaro ng single sa edad na 38 noong 1994 ay naglaro pa rin siya ng doubles hanggang sa kalagitnaan ng edad 40.