Sinampahan ng maraming kaso ang american R&B singer na si Robert Kelly, na nagpasikat ng mga kantang “I believe I can Fly at Ignition” sa child pornography sa federal trial court sa Chigaco.
Ang tatlo sa apat na bilang ng child pornography ay pinawalang-sala sa mga paratang upang hadlangan ng singer ang hustisya sa kanyang paglilitis noong 2008 na nagmula sa kaso noong 2002
Siya rin ay napatunayang nagkasala sa tatlo sa limang bilang ng pang-engganyo sa isang menor de edad na gumawa ng kriminal o sexual activity.
Sinabi ni Jennifer Bonjean, abogado ni Kelly, na ang kanyang kliyente ay may “sense of relief” na ang kaso ay nasa likod niya na ngayon, at nadama na ang mga prosecutor ay nag-overblown sa kanilang kaso laban sa kanya.
Pinag-iisipan naman niyang maghain ng apela patungkol sa nasabing kaso. (with report from Bombo Chill Emprido)