Pumanaw na ang American singer at songwriter na si Gary Wright sa edad na 80.
Kinumpirma ng kaniyang anak na si Justin ang pagpanaw ng ama sa kanilang bahay sa Palos Verdes Estates, California.
Si Wright ay na-diagnosed na ng Parkinson’s disease nooong lima hanggang anim na taon ganun din dinapuan rin siya ng dementia.
Mabilis na lumala ang kaniyang Parkinsons kung saan ayon sa kaniyang anak na may pagkakataon na hirap itong maigalaw ang kaniyang mga katawan.
Nakilala ang singer sa pinasikat nitong kanta noong dekada 70 na “Dream Weaver” at “Love is Alive”.
Nagsilbi rin itong keyboardist ni George Harrisson ng The Beatles sa kantang “All Things Must Pass”.
Nagpaabot naman pakikiramay ang ilang mga singers matapos na mabalitan ang pagpanaw ng singer.