-- Advertisements --
Ipinakilala ng American rock band na Foo Fighters ang bago nilang drummer matapos ang pagkasawi ni Taylor Hawkins noong nakaraang taon.
Sa social media account ng grupo ay inanunsiyo nila si Josh Freese bilang magiging bagong drummer ng banda.
Si Freese ay matagal ng kaibigan ng frontman ng banda na si Dave Grohl kung saan siya na ang makakasama nila sa mga susunod nilang world tour.
Nakasama na rin si Freese sa ilang banda gaya ng Devo, Guns N’ Roses, Sting at The Vandals.
Magugunitang matapos ang pagkasawi ni Hawkins noong Marso 2022 sa edad na 50 ay sinabi ng banda na ipagpapatuloy pa rin nila ang kanilang mga concerts.