-- Advertisements --
Inanunsiyo ng American rock band na Dream Theater ang pagsasagawa nila ng concert sa bansa.
Ayon sa Ovation Production na gaganapin ang concert sa Mayo 4, sa Aranetan Coliseum sa Quezon City.
Nagkakahalaga ang tickets mula P2,750 hanggang P7,250.
Ang Boston, Massachussets native band ay nagwagi na sa Grammy bilang Best Metal Performace.
Binubuo ito nina : John Myung, John Petrucci, James LaBrie, Jordan Rudess at
Mike Mangini.
Nabuo ang banda noong 1985 kung saan ilan sa mga kantang pinasikat nila ay ang “Another Day”, “Wither”, “As I Am” at maraming iba pa.