-- Advertisements --

Pumanaw na ang American actor at komedyanteng si Richard Belzer sa edad 78.

Kinumpirma ito ng kaniyang kasama sa Saturday Night Live na si Laraine Newman.

Nalagutan ng hininga ito sa kaniyang bahay sa Bozouls sa southwest France.

Itinuturong dahilan ay dahil sa ito ay dinapuan na ng iba’t-ibang uri ng sakit.

Nakilala si Belzer sa pagganap nito bilang si Detective John Munch sa TV series na “Law & Order” noong 1996.

Bago sumabak sa mga pelikula ay naging stand up comedian ito sa iba’t-ibang bar sa US.