Hinatulang makulong ng 30 taon hanggang habambuhay ang actor na si Danny Masterson dahil sa two counts of rape sa Los Angeles.
Sinabi ni Deputy District Attorney Reinhold Muelle ng Los Angeles DA Office na ito ang naging resulta ng hatol sa ginawang pagdinig ng dalawa sa tatlong counts ng rape ng actor.
Ang ikatlong rape case kasi ay nagkaroon ng deadlock na botohan ng mga hurado.
Una ng naghain ng not guilty plea ang actor dahil sa panggagahasa ng tatlong babae sa magkakahiwalay na insidente mula 2001 at 2003.
Nagsimula ang ikalawang pagdinig sa kaso noong Abril 24 at ikatlo naman ay noong Mayo 17.
Nagsimulang imbestigahan ng Los Angeles Police Department ang kaso ng ibunyag ng journalist at dating village voice editor Tony Ortega ang mga alegasyon na kinakaharap ng 47-anyos na actor.