-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Pinangunahan ng ambush surviving governor na si Mamintal ‘Bombit’ Adiong Jr ng Lanao del Sur ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Governors Caucus (BCG) na isinagawa sa Cagayan de Oro City.

Sentro sa ginawang pagtitipon ng limang gobernador ay pagbibigay prayoridad ng rule of law promotion,peace and order maging sa tinawag na inclusive governance at pang-matagalan na kaunlaran para sa Bangsamoro region.

Sa pagharap ni Adiong sa publiko,ipinaliwanag nito ang pagkabuo ng BCG ay maging instrumento na rin para sa kolaborasyon ng iba pang stakeholders upang masiguro na makamtan ang kapayapaan at kaunlaran na matagal na mailap sa kanilang rehiyon.

Magugunitang ito ang unang public appearance ni Adiong sa Cagayan de Oro ilang buwan ang nakalipas matapos na-ambush ng isang grupo ng mga armado sa bayan ng Maguing,Lanao del Sur noong Pebrero 17, 2023.

Kabilang sa bumubuo ng BCG ay sina Tawi-Tawi Gov. Yshmael Sali;Maguindanao del Sur Gov. Bai Mariam Mangudadatu;Sulu Gov.Abdusakur Tan;Maluso,Basilan Mayor Hanie Bud bilang kinatawan ni Gov. Jim Hataman at mismong si Adiong.