-- Advertisements --

Naghahatid ngayon ng ulan sa Davao at Caraga regions ang tropical depression Ambo.

Ito ang kauna-unahang bagyong nabuo sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR) para sa taong 2020.

Huling namataan ang sentro nito sa layong 385 kilometro sa silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Taglay ng TD Ambo ang lakas ng hangin na 45 kph at may pagbugsong 55 kph.

Kumikilos ito nang pahilagang kanluran sa bilis na 10 kph.