-- Advertisements --

Patuloy ang paghina ng bagyong Ambo na ngayon ay nasa severe tropical storm category na lamang.

Ngayong gabi ang pinakamalapit nitong lokasyon sa Metro Manila, kung saan inaasahang magdadala ng pabugso-bugsong hangin at ulan.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 100 kph at may pagbugsong 140 kph.

Kumikilos ang bagyo nang pahilagang kanluran sa bilis na 20 kph.

SIGNAL NO. 2:

Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, eastern portion ng Pangasinan, Tarlac, Pampanga, Metro Manila, Bulacan, Laguna, Cavite, Batangas, Rizal, Marinduque, northern portion ng Quezon, Polillo Islands, western portion ng Camarines Norte, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Aurora, Quirino at western portion ng Isabela

SIGNAL NO. 1:

Cagayan kasama ang Babuyan Islands, Batanes, Zambales, Bataan, natitirang bahagi ng Pangasinan, iba pang parte ng Isabela, nalalabing lugar sa Quezon, natitirang parte ng Camarines Norte, western portion ng Camarines Sur at northeastern portion ng Oriental Mindoro