-- Advertisements --

Engaged na si Amazon founder Jeff Bezos at nobyang si Lauren Sanchez.

Kinumpirma ito ng kanilang kampo subalit hindi na nagbigay pa ng ibang detalye kung kailan at saan ginanap ang engagement.

Taong 2019 ng isinapubliko ni Bezos ang kaniyang relasyon kay Sanchez na isang dating broadcast journalist at ngayon ay isa ng philanthropist.

Naging pribado ang kanilang relasyon hanggang inanunsiyo ang kanilang pagsasama sa iisang bubong.

Magkasama ang dalawa sa pagbibigay ng tulong sa mga mahihirap.

Si Bezos ay kasal sa dating asawang si MacKenzie Scott sa loob ng 25 taon kung saan mayroon silang apat na anak habang si Sanchez ay mayroong tatlong anak sa dating asawa na rin na si Patrick Whitesell.