-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Kinumpirma ng Aklan Police Provincial Office (APPO) ang nangyaring sagupaan sa pagitan ng mga sundalo at mga komunistang rebelde sa lalawigan ng Aklan.

Isang babaeng hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napatay sa engkwentrO

Ayon kay Police Major Willian Aguirre ng Aklan Police Provincial Office (APPO), nangyari ang bakbakan habang nagpapatrolya ang tropa ng 12 Infantry Battalion sa ilalim ng operational control ng 301st Infantry (BAYANIHAN) Brigade sa bulubunduking bahagi ng Sitio Maytaraw, Barangay Dalagsaan, Libacao, Aklan.

Narekober ang bangkay ng hindi pa nakikilalang babaeng rebelde katabi ng isang home-made shotgun, hand grenade, backpack at ilang personal na kagamitan matapos ang halos 15 minuto na bakbakan.

Masuwerte aniya na walang naitalang natamaan sa mga sundalo.

Matapos ang insidente ay naglatag ng ilang checkpoint ang mga awtoridad sa nasabing bayan gayundin sa Barangay Tapaz, Capiz sa pangunguna ng 1st Aklan Police Mobile Force Company (PMFC).