-- Advertisements --
Kung si dating House Speaker Pantaleon Alvarez ang tatanungin, kung maari ay hindi na dapat pang tumakbo sa pagka-bise presidente si Pangulong Rodrigo Duterte sa halalan sa susunod na taon.
Sinabi ni Alvarez na “bilang isang kaibigan” nakikita niyang mas mainam na huwag nang sumugal pa ulit si Pangulong Duterte sa halalan.
Mas mainam nga aniya na magretiro na lamang si Pangulong Duterte bilang isang “champion.”
Magugunita na sinabi ni Pangulong Duterte kamakailan na kinukonsidera niya ang tumakbo sa pagka-bise presidente kung patuloy na pagbabantaan siya ng kanyang mga kritiko ng criminal charges sa panahon na matapos na ang kanyang termino sa susunod na taon.